CONTRACT OF REGULAR EMPLOYMENT IN FILIPINO/TAGALOG
Contract of employment if expressed in writing will be beneficial to both the employee and employer as it provides the framework of rights and obligations between the parties. This prevents or at least minimizes misunderstanding.
The post below is based on the soon-to-be published collection of forms, notices, and contracts in Filipino/Tagalog which will be useful with regard to employees who are not conversant in the English language.
See other sample forms, notices and contracts in Human Resource Forms, Notices and Contracts Volume 1.
Atty. Elvin B. Villanueva will soon release this title to help employers provide forms that will improve contractual understanding across all aspects of employment.
Sample Regular Employment Contract in Filipino/Tagalog
KONTRATA PARA SA PERMANENTENG TRABAHO
(CONTRACT FOR REGULAR EMPLOYMENT)
KNOW ALL MEN BY THESE PRESENTS:
Ang KONTRATA PARA SA PERMANENTENG TRABAHO na ito ay isinagawa nina
XYZ Corporation, isang korporasyon na itinatag sa ilalim ng batas ng Republika ng Pilipinas at may principal na pahatirang sulat sa 123 Bldg., Ayala Ave., Makati City, Philippines, na kinakatawan ng pangulo nito na si MR. ____________________, na tinutukoy sa kabuuang dokumento na ito bilang “EMPLOYER”,
________________________, nasa hustong gulang, at nakatira sa _____________________________________________, na tinutukoy sa kontratang ito na “REGULAR EMPLOYEE”,
SAMAKATUWID, ang EMPLOYER ay nangangailangan ng empleyado na magsisimula bilang pansamantalang trabahador o REGULAR EMPLOYEE
SAMAKATUWID, ang REGULAR EMPLOYEE ay naghahanap ng trabaho at nagpaalam ng kanyang nais na magtrabaho sa EMPLOYER bilang pansamantalang empleyado;
SAMAKATUWID, ang kasunduan ay base sa pansamantalang estado o empleyado sa loob ng anim na buwan na kung saan ang pagiging isang regular o permanente ay naka depende sa kung ang REGULAR EMPLOYEE ay makatupad sa mga pamantayang nakasaad upang maging isang permanente o regular;
KUNG KAYA, nagkasundo ang mga partido at nagsasaad ng mga sumusunod:
SIMULA NG KONTRATA PARA SA PANSAMANTALANG TRABAHO
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay tinanggap sa trabaho upang magsagawa ng mga tungkulin bilang isang _________________________ (position title);
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay papasok sa trabaho nang eksakto o bago pa mag alas 8:00 ng umaga at aalis ng alas 5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado. Ang anumang pasok na lampas sa alas otso ng umaga ay ituturing na huli sa pagpasok sa trabaho at ang pag-alis sa trabaho ng mas maaga sa alas-singko ay ituturing na kulang sa oras sa araw ng trabaho na kung saan siya ay babawasan ng karampatang sahod at papatawan ng parusa bilang disiplina dahil ito ay ituturing na pag-abandona sa trabaho;
- Ang simula ng pagtatrabaho ng REGULAR EMPLOYEE ay ang araw ng pagsimula ng kasunduang ito na may petsang _____________;
MGA DAHILAN UPANG TANGGALIN SA TRABAHO
- Ang isang regular o permanenteng empleyado ay maaring tanggalin sa dahilang nakasaad sa Article 297 [formerly Article 282] ng Labor Code at iba pang probisyon ng batas;
- Maari ring tanggalin sa trabaho ang empleyado ayon sa mga dahilang nakasaad sa Article 298 [formerly Article 283] gaya ng retrenchment, redundancy at iba pa kung ang kompanya ay nakakaranas ng mahinang benta, kakulangan sa materyales, pagkalugi o banta ng pagkalugi, o kaya Article 299 [formerly Article 284] dahil sa malubhang karamdaman;
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay maari ring alisin sa trabaho kung makagawa ng mga paglabag sa Code of Conduct ng kompanya o EMPLOYER na nakalakip sa kontratang ito bilang Annex “A.” Ang REGULAR EMPLOYEE ay nagdedeklara na kanyang nabasa at naintindihan ang mga probisyon o nilalalman ng Code of Conduct na ipinaliwanag sa kanya ng lubos at malinaw ayon sa salita o diyalektong kanyang naiintindihan;
- Maari rin siyang alisin sa trabaho kung ang negosyo ng EMPLOYER ay magsarado o tumigil dahil sa dikta ng batas, mga patakaran ng pamahalaan, utos ng korte at ng awtoridad;
- Maaring pansamantalang itigil ang operasyon o negosyo ng EMPLOYER dahil sa kawalan ng mga materyales, benta, mamimili, order, pagkalugi at iba pa na kung saan ay maari ring matigil ang pagbibigay ng trabaho sa REGULAR EMPLOYEE;
LUGAR NG TRABAHO
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay pisikal na magtatrabaho sa prinsipal na opisina ng EMPLOYER na matatagpuan sa ____________________________________. Pero ang REGULAR EMPLOYEE ay pumapayag na ilipat, ipadala, i-assign, i-appoint, sa ibang lugar sa Pilipinas o sa kung saan man na mayroong proyekto o opisina ang EMPLOYER;
- Ang lugar ng trabaho ay maaring maiba kung ang EMPLOYER ay lumipat ng ibang opisina, lugar ng negosyo o lugar ng proyekto at kung mangyari man ito ang REGULAR EMPLOYEE ay pumapayag na ilipat o maipadala sa ibang lugar sa Pilipinas man o sa ibang bansa;
MGA TUNGKULIN NG REGULAR EMPLOYEE
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay magsasagawa ng mga tungkuling nakasaad sa dokumentong nakalakip dito bilang Annex “B” at iba pang mga responsibilidad na maaring ipagawa na may kinalaman sa mga ito;
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay susunod sa mga batas, regulasyon, patakaran, pamantayan, mga alituntunin, at mga kagawiang maayos at mabuti sa pag ganap sa kanyang mga tungkulin;
- Sa paggawa ng kanyang trabaho, ang REGULAR EMPLOYEE ay idadaan sa nakatakdang pagsusuri upang malaman ang kanyang tamang pagtupad sa tungkulin. Upang masuri ang kanyang trabaho, ang mga sumusunod na pamantayan ang gagawing basehan;
- (Resulta ng trabaho) 30%
- Pagpasok ng maaga at
pagsunod sa oras at araw
- Mga pag-uugali sa trabaho 20%
- Pakikipagtulungan sa ibang
- Pagkukusa 10%
- Ang kabuuang marka ay 100%. Kung ang REGULAR EMPLOYEE ay nakakuha ng marka na mas mababa pa sa 85% ito ay ituturing na bagsak o hindi pumasa sa pamantayan na kung saan ito ay basehan. Siya ay maaring bigyan pa ng pagkakataon. Kung maulit pa ang kanyang bagsak na marka siya ay maaring matanggal dahil sa kapabayaan sa trabaho;
- Ang markang may kinalaman sa Resulta ng Trabaho ay kumakatawan sa 30% ng buong marka na base naman sa mga sumusunod;
- Kaalaman sa negosyo ng EMPLOYER 20%
- Produksyon o mga nagawang trabaho 50%
- Pagkamaparaan sa trabaho 20%
- Pakikiisa sa mga katrabaho 10%
- Samantalang ang pagsunod naman sa tamang oras at itinakdang araw ng trabaho ay kumakatawan sa 20% na babawasan ng 3% sa bawat pagkahuli sa trabaho at 4% sa bawat pagliban. Kung ang pagliban ay dahil sa sakit o anumang medikal na kondisyon kailangan magsumite ng notaryadong medical certificate ng empleyado. Kung hindi naman medical ang dahilan ng pagliban, kailangang magsumite ng patunay gaya ng sertipikasyon ng barangay o sinumpaang salaysay ng dalawang [2] taong hindi kamag-anak na nagpapatunay sa dahilan ng pagliban. Kapag hindi naisumite ang mga nasabing dokumento ito ay mangangahulugan na ang pagliban ay hindi awtorisado at ito ay ibabawas sa sahod maliban pa sa parusang ipapataw;
- Mga pag-uugali sa loob ng opisina o trabaho ay kumakatawan sa 20% na kung saan ito ay babawasan kapag mayroong mga paglabag sa batas, patakaran, regulasyon, polisiya, at iba pa sa loob ng kompanya o EMPLOYER;
- Written warning – less 2%
(Sulat na nagbibigay babala sa paglabag)
- Stern warning – less 5%
(Mahigpit na babala)
- Written reprimand – less 6%
(Mahigpit na pangaral dahil sa paglabag)
- 1-day Suspension – less 7%
(Isang araw na pagsuspinde sa trabaho)
- Longer suspension – less 10%
(Pagsuspinde na mas mahaba sa isang araw)
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay inaasahan na makiisa at marunong makipag-ugnayan sa ibang mga empleyado. Ang marka ng pakikiisa ay gagawin ng kanyang boss o pinuno base sa mga resulta ng panayam sa ibang empleyado o personal niyang pagtantiya sa kakayahan ng REGULAR EMPLOYEE na makiisa;
- Ang pagkukusa naman ay ibibigay ng boss o pinuno ayon sa kung paano ang REGULAR EMPLOYEE ay gagawa ng mga bagay na hindi na kailangan pang diktahan, utusan o manduan sa kung paano, kailan at ano ang mga gagawin;
MGA SAHOD AT BENEPISYO
Easily Draft Your HR Forms, Notices and Contracts Soft Copy Version (With Over 150 Sample Templates Editable in Word File). Order Your USB/CD Here! Special Introductory Price Until March 15, 2019.
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay tatanggap ng sahod na FIVE HUNDRED TWO PESOS (PHP502.00) at COLA na TEN PESOS (PhP10.00) sa bawat araw na babayaran tuwing ika-15 at ika-30 o ika-31 ng bawat buwan ayon sa itinakdang patakaran at kalakaran sa loob ng kompanya tungkol sa “cut-off period”;
- Ang “cut-off” period ay ang palugit na kung saan hindi isasama sa paparating na araw ng sahod ang ilang araw upang mabigyan ng panahon ang EMPLOYER na i-proseso ang mga sahod ng empleyado. Para sa ika-15 na sahod, ito ay babayaran base sa ipinasok na araw mula ika-21 st nang nakaraang buwan hanggang ika-5 ng kasalukuyan buwan lamang. Habang ang sahod para sa ika-30 o ika-31, depende sa kung anong buwan, ay babayaran base sa ipinasok na araw hanggang ika-6 hanggang ika-20 ng buwan lamang;
- Ang sahod ng REGULAR EMPLOYEE ay babawasan ng halaga para sa kontribusyon sa SSS, Pag-Ibig at PhilHealth. Siya rin ay bibigyan ng 13 th month pay. Maari ring ikaltas ang iba pang bayarin na awtorisado ng REGULAR EMPLOYEE o itinakda ng batas;
- Ang sahod at benepisyo ng mga empleyado may pagkakaiba depende sa estado at ranggo ng empleyado. Kung kaya ang REGULAR EMPLOYEE ay hindi ipapaalam ang mga mahahalagang impormasyon gaya ng sahod at mga benepisyo kahit kaninuman. Ang paglabag sa probisyong ito ay may karampatang parusa na makakaapekto sa markang nabanggit sa itaas;
MGA TAMANG KASUOTAN SA LOOB NG OPISINA
- Ang PROBATIONAY EMPLOYEE ay papasok sa trabaho na suot ang tamang damit pangtrabaho. Ang mga sumusunod ay bawal isuot sa loob ng opisina at buong lugar ng kompanya;
- Slippers
- Sando
- T-shirt
- Shorts
- Jeans of any color
(Maong na kahit anong kulay)
- Sleeveless blouse
PANGANGALAGA SA MGA SIKRETO NG KOMPANYA
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay nakakaalam na ang mga sistema at kagamitan na pag-aari ng EMPLOYER, inuupahan, kinakatawan o bahagi man ng plano, para sa negosyo nito o para sa kliyente ay mga mahahalagang sikreto ng negosyo;
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay sumasang-ayon na ang mga lihim at mahahalagang impormasyon o “confidential” ay hindi niya isisiwalat kailanman habang siya ay nagtatrabaho at maging pagkatapos nito, kaninuman. Hindi rin niya ito maaring kopyahin sa anumang paraan at hindi niya pahihintulutan ang sinuman na gustong sumuri sa mga ito. Ang mga impormasyong nabanggit ay tumutukoy sa kung anumang ginawa ng EMPLOYER, o natanggap ng REGULAR EMPLOYEE ng dahil sa kanyang katungkulan o trabaho;
- Ang katagang “confidential information” ay nangangahulugan na lahat ng impormasyon, ito man ay nakasulat o hindi, na hindi alam o hindi mahahanap sa publiko na may kinalaman sa negosyo, gawain, pinansyal na transaksyon, sikreto, teknolohiya ng EMPLOYER na ginawa nito o maaring natanggap nito mula sa mga kliyente, suppliers, at ibang mga grupo, indibidwal o kompanya na napasakamay ng REGULAR EMPLOYEE;
PAGBABAWAL SA PAKIKIPAGKOMPITENSYA
- Sumasang-ayon ang REGULAR EMPLOYEE na sa loob ng dalawang taon mula na magtapos ang pagtatrabaho nito sa EMPLOYER ay hindi papasok sa isang negosyo, korporasyon, asosasyon, kompanya o trabaho na kakompitensiya ng negosyo ng EMPLOYER o mga customer nito;
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay hindi magbibigay o mag-aalok ng kanyang serbisyo kahit kanino na kliyente o naging kliyente ng EMPLOYER;
- Ang pagbayad sa anumang danyos ng REGULAR EMPLOYEE sa EMPLOYER ay hindi makakaapekto sa anumang karapatan ng EMPLOYER laban sa REGULAR EMPLOYEE;
RESIGNATION
- Ang REGULAR EMPLOYEE ay maaring umalis sa trabaho sa anumang dahilan kapag nagbigay ng abiso tatlumpong araw (30-day prior notice) bago ang araw ng pag-alis/resign;
- Kapag hindi nag-abiso ng tatlumpong (30-day prior notice) araw ang REGULAR EMPLOYEE siya ay pananagutin sa danyos ng kumpanya na katumbas ng tatlong beses (three times) ng kanyang buwanang sahod bilang liquidated damage;
- Kapag hindi tinanggap ng EMPLOYER ang kanyang resignation REGULAR EMPLOYEE ay maaring ituring na empleyado pa rin at may obligasyon na pumasok sa trabaho. Ang patuloy na hindi pagpasok sa trabaho ay magiging dahilan upang matanggal dahil sa abandonment of work;
- Dahil sa maagang pag-resign, hindi pagbayad ng danyos, maaring hindi mabigyan ng Clearance, Certificate of Employment, at iba pang dokumento ang REGULAR EMPLOYEE;
MGA GASTOS SA PAGHUBOG NG KASANAYAN NG EMPLEYADO
- Alam at naiintindihan ng PROBATIONARY EMPLOYE na sa panahon ng kanyang pansamantalang panunungkulan, siya ay binigyan ng mga pagsasanay tungkol sa pamamalakad, kaalaman sa mga produkto, paraan, istratehiya, materyales, teknolohiya at iba pa na kung saan ang EMPLOYER ay gumastos o namuhunan;
- Ang REGULAR EMPLOYEE, dahil sa gastos ng EMPLOYER sa mga pagsasanay nito, ay mananatili sa serbisyo sa loob ng anim na buwang paglilingkod. Kung siya man aalis, dapat niyang ipaalam ito sa pamamagitan ng isang sulat na magiging epektibo pagkatapos ng tatlumpong araw mula ng matanggap ito ng EMPLOYER;
- Kung sakaling umalis ang REGULAR EMPLOYEE nang hindi natapos ang panahon ng serbisyo pagkatapos ng pagsasanay siya ay magbabayad sa EMPLOYER ng halagang ONE HUNDRED THOUSAND PESOS (PHP100,000.00) bilang danyos o liquidated damages at para sa mga ginastos ng EMPLOYER sa mga pagsasanay nito;
- Ang kontratang ito at ang mga nakalakip na dokumento o Annexes ay bumubuo ng lahat ng napagkasunduan sa pagitan ng partido na magiging obligasyon ng bawat partido maging ng kanilang mga tagapagmana o ang sinumang maaring magpatakbo ng kompanya.
- Kung sakaling may paglabag ang REGULAR EMPLOYEE sa anumang bahagi ng kasunduang ito ang REGULAR EMPLOYEE ay magbabayad sa EMPLOYER ng halagang katumbas ng tatong beses (three times) ng halaga ng kanyang buwanang sahod o mas higit pa depende sa kung anuman ang mapatunayan ng EMPLOYER sa imbestigasyon;
IN WITNESS WHEREOF, the parties have hereby affixed their respective signature this ____ day of _______, 20____, in the City of ____________.
For the EMPLOYER:
_______________________ ________________________
President REGULAR EMPLOYEE
Signed in the presence of:
Republic of the Philippines )
City of _______________ ) S.S.
BEFORE ME, a notary public for and in the City of ______________, the parties appeared and presented their respective identification cards as competent proof of identity and are known to me and to me known to be the same persons who executed the foregoing Contract for Probationary Employment consisting of fourteen (14) pages, including this page where the Acknowledgment is written and affirmed to me that the same is their own, free, voluntary act and deed.
WITNESS MY HAND AND SEAL, this _____ day of __________, 20____.
Doc. No.: _________;
Page No.: _________;
Book No.: _________;
Series of 20_____